SA KABILA NG MGA KABUNDUKAN
Sa kabila ng mga kabundukan,
Naro‘n ang ginawa ng Diyos na bayan;
Pag ang tuktok ng bundok natapakan,
Walang hanggang bayan ay matatanaw
Koro:
Nalalapit na sa ‘ting tahanan!
(Malapit na sa tahanan sa ‘ting tahanan!)
Masda‘t mga bubong nagkikinangan!
Sa "pintong bukas" may kal‘walhatian!
Papasok tayo ro‘n di magtatagal,
Ang mga anghel ay nag-aawitan
Sa ‘ting tahanan. (O sa ating tahanan!)
Sa ti‘y maluwat nang isinalaysay
Ang bayang mga daa‘y gintong lantay;
Ngayon sa hagap ito‘y matatanaw;
Kuta‘y haspe‘t magaganda ang bahay.
Mga tumutupad ng utos ng Diyos
At pananampalataya ni Jesus,
Ang sa bayang yao‘y nagsisipasok;
Tayo roo‘y magpupuri ngang lubos.
Kapatid, ako ba‘y ‘yong tatagpuin
Sa bayang yaong wala nang hilahil?
Pabalita ng Diyos iyong tanggapin,
Pagdating N‘ya ikaw ay tatawagin.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.