PAG-IBIG NG DIYOS
Pag-ibig ng Diyos ay higit
Sa lahat ng pag-ibig,
Ang kagalakan ng langit,
Naparito‘t nagsakit;
Jesus, Ikaw‘y maawain,
Ikaw ay maibigin;
Tanglay ang pagliligtas Mong
Kami‘y Iyong dalawin.
Hingahan Mo bawa‘t dibdib
Nalipos ng ligalig
Ng Espiritu Mong ibig!
Nang kami‘y matahimik;
Hilig sa pagkakasala
Ay pawiing lahat na;
At sa amin Ikaw sana,
Maging Alpa‘t Omega.
Ang Iyong biyaya, O Diyos,
Ipatanggap mo sa ‘min;
Biglang magbalik at mga
Templo‘y h‘wag nang lisanin.
Ikaw ay paglilingkurang
Gaya ng hukbo sa langit,
Dadalangina‘t pupurihin
Ang sakdal Mong pag-ibig.
Lubusin Mo nga sa amin
Ang muli Mong paglikha;
Gawin Mo kaming malinis,
At dungis ay mawala;
Sa amin ay ipamalas
Ang Iyong pagliligtas,
Sa Iyo kami‘y iharap
Sa langit ng pagliyag.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.