OH! KRIST‘YANONG KAWAL HAYO SA LABAN
Oh! Krist‘yanong kawal hayo sa laban,
Si Jesus ang nangunguna sa daan
At umaalalay sa kahirapan,
Nang tayo‘y magdiwang sa sanlibutan!
Koro:
O! Krist‘yanong kawal hayo sa laban,
Krus ni Jesus ang ating sinusundan.
Siya ay ihayag at nang tumakas
Ang bumabagabag na si Satanas;
Tulinan ang lakad, dalhin ang hirap
Nang ating malasap, bihis na galak!
Ang kay Kristong kawal hukbong kalakhan
Ay nangapipisang lakip ang tibay;
Sa pakikilaban at nang magdiwang,
Nang pagtagumpayan madlang kaaway!
Piliting lansagin ang bawa‘t datning
Mga sinungaling; h‘wag pagitawing
Maghari sa ati‘t tayo‘y supiling
Papaniwalain sa dayang lihim!
Sulong Kanyang bayan at makipisan
Sa pag-aawitan ng pagdiriwang;
Kay Jesus ibigay ang kapurihan,
Atin S‘yang awitan magpa-kaylanman!
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.