O KAPATID KO, IKAW AY MAGTAPAT
O kapatid ko, ikaw ay magtapat!
Si Jesus di magluluwat;
Ang pagpasok sa tahanang marilag
Malapit na ngang matupad.
O kapatid ko, ikaw ay magtapat!
Pagka‘t bakit titiwalag
Sa nagpakita ng gayong pagliyag-
Na tumubos sa ‘ting lahat.
Ang gintong lunsod na inihahanda
Sa mabuti‘t pinagpala,
Ang pintong perlas ay naghihintay nga
Sa pagpasok mong may tuwa.
Kaya magtapat, kapatid na mutya!
Di mananatiling aba,
Ang gabi ng lungkot ay mawawala,
Umaga‘y matatamasa.
O kapatid ko, magtapat ka sana!
Malapit nang bumaba S‘ya,
Libu-libong anghel ang abay Niya,
Palmang tagumpay ay dala.
Hindi tatagal, maririnig mo na
Ang kay Kristong ibabadya,
Aliping tapat gawa mo‘y maganda,
Sa ‘yong Pangino‘y magsaya.
Walang hanggang panaho‘y magsaysay
Ng ngayo‘y ‘Yong katapatan,
Luha mo‘y papawiin ng kat‘waan,
Putong sa noo‘y kikinang.
O magtapat ka, kapatid kong hirang!
Sa tapat pangako‘y tunay;
Maghaharing kasama ng dalisay,
Sasa kay Jesus kailanman.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.