MGA TANDA‘Y NATUPAD NG LAHAT
Mga tanda‘y natupad nang lahat
Sinasabing darating si Jesus;
Kami‘y nag-aantabay nang maluwat,
Dumating Ka nawa aming Manunubos!
Koro:
Lahat ay ating balitaang
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
"Jesus, h‘wag magluwat sa Iyong pagdatal!"
Buwan, bituin, pati ng araw,
Nagsasabing Siya‘y malapit na,
Mga bansa‘y naliligaligan,
Masasamang puso‘y pawang nangangamba!
Ito‘y kagalakang walang hangga,
Sa nagbabalitang matiyaga,
Pawang saksing napakalapit na
Ang pamimitak ng araw na dakila!
Kaya‘t tayo‘y masiglang gumawa,
Di na tatagal darating Siya,
Ang nagsisi ay hindi sasalang
Papasok sa pinto‘t magpupuri t‘wina
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.