MGA MANGGAGAPAS AY NASAAN?
Mga manggagapas ay nasaan?
Ang lingkaw ninyo ngayo‘y ikarit
Upang piliin sa karamihan
Ang mga mabuting inihasik.
Koro:
Ang manggagapas ay nasaan?
Halina‘t tumulong sa pagtitipon
Tumulong kayo na magbangan
Ng bungang ani ng Pangino‘n.
Magsiyaon kayo sa bukiran
At hanapin ang mabuting hasik!
Pansirang damo‘y matatayog man
Sikaping lahat ay maipanhik!
Hinog na ang bukirang malawak
At naghihintay ng mag-aani!
O! manggagapas, kayo‘y gumayak
At matutukol na ang marami!
Hayo nang taglay ang inyong lingkaw
Gintong butil ng trigo‘y anihin
Ang Panginoon natin pagdatal
Ang kaupaha‘y inyong kakamtin!
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.