MAGMADALI, O SIYON
Magmadali, O Siyon, na itanyag
Sa daigdig na Diyos ay liwanang;
S‘ya na sa mga bansa‘y naglatag
Di N‘ya ibig isa‘y mapahamak.
Koro:
Ang balita ay ipahayag,
Balita tungkol kay Jesus na liyag.
Ipahayag sa bayan, wika‘t bansa
Na ang Diyos ay pag-ibig at tuwa;
Upang iligtas ang tao sa lupa,
S‘ya‘y namatay at nagpakababa.
Mga anak at salapi‘y ihandog,
Nang madala sugong maalindog;
Sa dalangin kaluluwa‘y ibuhos
Nang sila‘y magtagumpay sa lubos.
Siyon, Siya ay muling paririto,
Kaya biyaya N‘ya‘y itanyag mo;
Huwag tulutang maligtaang totoo
Ang sinumang tinubos ni Kristo.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.