KUNG LAHAT NG BANSA‘Y MATIPON
Kung lahat ng bansa‘y matipon
Haharap sa paghuhukom,
Pa‘no tayo tatayo roon
Kung ilagda na ang hatol?
Koro:
Ang trigo‘y titipunin sa bangan
Ngunit ang ipa‘y babayaan,
Alin ang ating kalalagyan
Kung dumating na ang araw?
Sa atin kaya ay sabihin:
"Kayo‘y tapat na alipin,"
O sa takot at pagkalagim
Ay matataoon sa dilim?
Buong tuwa Niyang mamasdan
Ang bawa‘t may tandang taglay
Sila ay Kanyang bibihisan
Ng ganda ng kalangitan.
Magpuyat tayo at maghintay,
Laging ningningan ang ilaw,
Nang kung tumawag ang kakasal
Ay masalubong sa daan.
Mamuhay ng tapat sa Kanya
Magtyaga sa panig Niya.
Matapos ang ating lakbayin
Sa Kanya tayo‘y akayin.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.