KAYO‘Y GUMISING
Kayo‘y gumising, oh! Krist‘yanong tanan
Balutin ninyo‘t kalasag ay tabnan,
Ang tabak ng Diyos gamiting matapang,
Haraping walang takot ang kaaway.
Koro:
Makilabang buong tapang
At harapin ninyo ang kaaway.
Mga panganib ay paka-ingatan
Huwag urungan kahit isang hakbang,
Sa tulong ng Diyos pananagumpayan
Mga pulutong nitong kadiliman.
Ipagtanggol ang mithiin ni Jesus
At magsikap ka hanggang sa matapos,
Magpuyat ka at sumunod na lubos
Sa Panginoon anumang iutos.
Magpatuloy ka‘t h‘wag mag-alanganin
Ang Kapitan mo‘y laging nasa piling,
Biyayang tulong, pag-ibig, at aliw
Ay parang agos sa iyo‘y darating.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.