ITAAS SIYA
Itaas Siya at masdan
Upang tao‘y mabuhay;
Bigay N‘ya sa nauuhaw
Ay ang tubig ng buhay;
Bagama‘t nagpakababa‘y
Puno ng kalangitan;
Ang bulag, sa dugo Niya‘y
Makakakitang tunay.
Koro:
Itaas sa naghihintay
Ang ating Manunubos;
Kamalian ay takasan,
Ito ang Kanyang utos.
Itaas Siya‘t bayaang
Masadan ng karamihan;
Ang humahanap sa Kanya‘y
Ipipisa sa kawan;
Sila ay magkakatipon
Nang buong kagalakan,
Krus ni Jesus ay dadalhi‘t
Kaligtasan ay laan.
Ang Anak ng Diyos sa langit,
Ibunyi‘t l‘walhatiin;
Sa pag-ibig N‘yang taimtim,
Sila‘y palalapitin;
Ang krus at ang kamataya‘y
Bayaang muling dinggin;
At sa mga dila‘t dila
Ito‘y ulit-ulitin.
Itaas nga Siya sa awit,
Itaas sa dalangin;
Inako ng Manunubos
Lahat ng sala natin;
Bata‘y yuyukod sa Kanya‘t
Matanda‘y sa awitin;
Ang bingi‘y makakarinig;
At pipi‘y pupuri rin.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.