ISANG BAGONG KAIBIGAN
Isang bagong Kaibigan ang aking natagpuan
Na sa aki‘y nagmamahal bago ko naalaman;
Ako‘y Kanyang tinalian ng pag-ibig na sakdal
Kaya‘t ako‘y Kanya lamang at Siya‘y aking tunay.
Ang bago kong Kaibigan sa aki‘y nagsanggalang
Kamtan ko lamang ang buhay Kanya ang inialay;
Kaya‘t ngayo‘y Kanya lamang lahat kong kinakamtan,
Buhay, lakas, kayaman, magpahanggang libingan.
Ang bago kong Kaibigan ay may kapangyarihang
Sa akin ay pumatnubay hanggang sa kalangitan;
Sa l‘walhating mamasdan sigla ang kinakamtan,
Sa pag-gawa‘t pagpapagal hanggang ako‘y may buhay.
Ang bago kong Kaibigan ay maawaing tunay
Matalinong taga-akay malakas magsanggalang;
Sinong sa aki‘y hahadlang na Siya‘y paglingkuran?
Ang yaman ba? Sanlibutan? Hinid rin tutulutan!
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.