GALAK AKONG TITINDIG SA PAANAN NG KRUS
Galak akong titindig sa paanan ng krus,
Anino ng isang batong matibay na lubos;
Yaon ay isang tahanan sa gitna ng ilang,
Pahingahan at kanlungan sa tabi ng daan.
Doon sa krus ni Jesus aking namamalas
Siya na dahil sa aki‘y namatay, naghirap;
Sa puso kong nasumbatan aking nadarama:
Di karapat-dapat ako sa pag-ibig Niya.
Papasanin ko, Oh krus, ang iyong anino;
Liwanag ng Kanyang mukha ay s‘yang ligaya ko;
Tanging ikinahihiya ng sariling aba,
Ay ang buhay kong sa sala‘y lubhang
nariwara.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.