ANG ORAS NG PANALANGIN
Ang oras ng panalangin
Ay matamis nga sa akin;
Tinatawag akong tambing
Sa Ama kong maawain!
Sa panahong natutukso
Sa mga daya ng lilo,
Tumawag at pasaklolo
Sa kamay ni Jesu-Kristo!
Sa oras ng panalangin,
Ako ay Kanyang diringgin;
At kung Siya‘y hihintayin,
Ako ay pagpapalain.
Katiwasayang tahimik
Kay Jesus na ipapalit
Salinggatong at hinagpis
Sa aki‘y gumigiyagis.
Oh! oras ng panalangin,
Ako ay iyong aliwin
Hanggang sa Pisga‘y mamasdan
Ang inihandang tahanan.
Sa pagtawag N‘ya sa akin
Upang Siya‘y salubungin,
Akin namang aawitin
Ngalan Niyang masintahin.
Oh! oras ng panalangin,
Ako ay iyong aliwin
Hanggang sa Pisga‘y mamasdan
Ang inihandang tahanan.
Sa pagtawag N‘ya sa akin
Upang Siya‘y salubungin,
Akin namang aawitin
Ngalan Niyang masintahin.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.