ANG AKING AMA‘Y NAPAKAYAMAN
Ang aking Ama‘y napakayaman
Sa mga lupain at mga bahay;
Sa mga pilak gintong makinang,
Puno ang Kanyang mga kabang-yaman.
Koro:
Ako‘y anak-Hari, anak ng Hari!
Kasama ni Jesus, ako‘y anak-Hari!
Sariling Anak ng aking Ama,
Tagapagligtas ng mga may-sala
Nagpakadukha sa gitna nila;
Ngayo‘y namamanhik naman Siya.
Minsan ako‘y isang itinapon,
Isang manlalakbay sa sala‘y gumon!
Nguni‘t ako‘y kinupnop, inampong
Taga-pagmana ng korona‘t mansiyon.
Bakit mag-aalala ako?
Ako‘y iginagawa ng palasyo!
Na layo man ay aawit sa ‘Yo:
"L‘walhati sa Diyos, anak-Hari ako!"
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.