AKO AY NARIWARA SA PAGKAKASALA
Ako ay nariwara sa pagkakasala
Hanggang sa pinanawan ako ng pag-asa
Datapwa‘t ang hibik ng aking kaluluwa‘y
Dininig ng diyos at ako‘y ligtas na!
Koro:
Ang pag-ibig! Ang pag-ibig!
pag-ibig! pag-ibig!
Ang nagligtas sa ‘kin ay pag-ibig
Ay pag-ibig!
Ang puso ko at diwa‘y aking inya-alay
Sa paanan ni Jesus habang ako‘y buhay
Aawit-awitin ko ang Kanyang pangalan
At ang pag-ibig Niyang walang hanggan.
Oh kaluluwang waglit at mapapahamak
Kay Kristo ka lumapit nang ikaw‘y maligtas
Ang ating Panginoo‘y walang laging hangad
Kundi ang malayo ka sa bagabag.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.