AKO AY BIGYAN NG BANAL NA AKLAT
Ako ay bigyan ng banal na aklat
Na pantawag sa nangapahamak,
Sa payapa‘y di hadlang ang bagabag
Pagka‘t si Jesus ang humahanap.
Koro:
Ako ay bigyan ng banal na aklat
Na tatanglaw sa daang mahirap;
Pangako‘t utos, pag-ibig na lahat,
Patnubay hanggang Siya‘y mahayag.
Ako ay bigyan ng banal na aklat,
Ligaya ng pusong natiwalag;
Ang pangako ni Jesus ay panatag
Tunay na Siya‘y darating agad.
Ako ay bigyan ng banal na aklat,
Na patnubay sa aking paglakad,
Upang sa panganib ay makaiwas
At sa kasalana‘y makaligtas.
Support Mysongbooks
Support us by joining the Buy Me A Coffee community and making a small donation, you can help us expand our library and ensure that music lovers everywhere can enjoy their favorite songs to the fullest. We're passionate about music, and we know you are too, so let's work together to keep the music alive.
Thank you for being a part of our community and supporting our mission to provide the best lyrics library on the internet.